Tagalog news: PAGASA magtatayo ng automatic weather station sa Masbate
LUNGSOD NG MASBATE, Mayo 10 (PIA5) --- Upang lalong mapabuti ang paglilingkod sa mga sektor na nangangailangan ng datus sa klima ng Masbate, sa lalawigang ito magtatayo ng automatic weather station ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Ito ang magandang ibinalita ni PAGASA Regional Director Landrico Dalida Jr. sa mga lumahok sa talakayan tungkol sa climate change na ginanap kamakailan sa lungsod na ito.
Ang automatic weather station ay maihahalintulad sa automatic teller machine at kagaya ng ATM na walang human operator sa paglalabas ng pera para sa withdrawal ng depositor, ang AWS ay self-operated sa pagbibigay ng datus sa klima kagaya ng rainfall distribution ng lalawigan.